Naghahanda ang katauhan sa magaganap na paglaya ng hangin ng kabihasnan. Nasira ang katahimikan nang magsimulang tumakbo ang mga bata, naghahanap ng kalayaan, gahaman sa pagiging bata. Malinis ang probinsiya, ngunit nasaksihan ko ang pagkayamot nito sa sariling kalagayan.
Bilang sentro ng lugar, sinipa ng isang bata ang puno ng aratilis, daan upang malaglag ang mga maliliit na pulang prutas nito. Nagtakbuhan silang muli sa iba't ibang direksyon habang nagmamasid ako sa gilid, nauubos ang lakas sa kanilang eksistensiya. Nang mapuno ng gumugulong aratilis ang lupa, naranasan kong magutom at hindi maiwasang mainggit dahil wala akong karapatang sumali.
Pinulot ng mga bata ang ilang aratilis. Walang tigil. Pinagkakain nila ito, kapansin-pansin ang kanilang kaligayahan at kainosentehan, walang kaalaman sa aktuwal na paggawa.
Nawala ang lahat. Hindi ko na maaaring pulutin ang mga nahulog na aratilis kaya't sinipa ko ang puno upang makatikim. Sumakit ang paa ko nag-antay ako ng kaganapan. Nalaglag ang isang malaking aratilis, sobrang laki na hindi ko kayang ubusin. Ni hindi ko man lamang nalasahan ang katamisan. Hindi ako nakakain at sadyang nawala ang kabihasnan.
Friday, 23 April 2010
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment